Naka-self quarantine ngayon si AFP chief of staff Gen. Felimon Santos, matapos makasalamuha ang senior officer na nagpositibo sa COVID-19 at maging ang misis nito.
Sa pakikipag-ugnayan ng Bombo Radyo sa pamamagitan ng text message kay Gen. Santos sinabi nito sa isang conference nakasalamuha niya ang nasabing opisyal.
Sa ngayon, ipinatutupad na ang lockdown sa buong Kampo Aguinaldo ang AFP headquarters.
Lahat ng mga kaukulang protocols ay kanilang isinagawa gaya ng disinfection.
Pinayuhan na rin ang mga nakasalamuhang mga indibidwal ng nasabing senior officer na mag-self quarantine.
Siniguro ni Santos na inplaced na rin ang kanilang inilatag na precautionary measure sa loob ng kampo ng sa gayon hindi na kumalat pa ang virus.
Mahigpit na pinaiiral sa loob ng kampo ang social distancing at maging ang rotation ng mga duty personnel.
Dagdag pa ni Santos kahit naka home quarantine siya tuloy pa rin ang kaniyang trabaho.
Nang tanungin ang heneral kung may nararamdaman siya ngayong naka-self quarantine siya sagot ni chief of staff, ”pag-ibig ang kaniyang nararamdaman sa ngayon.”
“Yes. All protocols needed are undertaken. All those who have close contact with them are on self quarantine. All precautionary measure are already built in the camp. Social distancing and rotation of duty personnel,” mensahe pa ni Gen. Santos sa Bombo Radyo.