-- Advertisements --

Kinumpirma ni AFP chief of staff General Eduardo Anio na kaniyang ipinag utos pagpapadala ng barko ng Philippine Navy sa Benham Rise para magsagawa ng patrulya.

Partikular na tinukoy ni General Ano ang bagong Strategic Sealift Vessel ng Navy ang BRP Davao Del Sur na nakatakdang ideliver sa susunod na buwan ng Indonesian defense contractor.

Ang BRP Davao del Sur ang ikalawang Strategic Sealift Vessel ng Philippine Navy.

Bukod sa BRP Davao Del Sur, magpapatrulya din sa Benham Rise ang barkong BRP Lanao del Sur.

Sinabi ni Ano na magkakaroon na ng regular maritime security patrols ang Philippine Navy sa Benham Rise.

Inihayag din ni chief of staff na kasalukuyang sumasailalim sa sea trial ang BRP Davao del Sur na siyang sister ship ng BRP Tarlac na siyang pinakamalaking operational warship ng Philippine Navy.