Personal na sinalubong kahapon ni AFP Chief of Staff Gen. Romeo Brawner ang pagdating ng 28 sundalo na naka deploy sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal sa West Philippine Sea.
Inabangan ni Chief of Staff ang mga ito sa Naval Detachment Oyster Bay Pier sa Puerto Princesa, Palawan.
Nakumpleto ng mga magigiting na sundalo ang kanilang deployment sa Ayungin Shoal kasabay ng isinagawang Rotation and Resupply (RoRe) mission nuong July 27 at ngayon nakabalik na sa solid ground.
Pinuri ni General Brawner Jr. ang mga sundalo dahil sa kanilang dedikasyon sa pag protekta sa soberenya at maritime interest ng bansa sa West Philippine Sea.
Pinasalamatan din ni Brawner ang pamilya ng mga nasabing sundalo sa suporta at pasensiya hanggat makabalik ang kanilang mga mahal sa buhay.
Mahalaga ang suporta ng pamilya dahil nagsisilbi din itong morale booster sa mga sundalo na nakadeploy a malayo.
Ang pagbabalik ng mga sundalo mula sa kanilang misyon ay mahalaga sa AFP sa pagbibigay seguridad sa interes ng bansa.
Naging matagumpay ang pinaka huling RORE mission ng AFP kung saan hindi naki-alam ang Chinese Coast Guard.