ILOILO CITY – High morale ang militar na nakipagbakbakan sa mga rebelde sa central Negros matapos binigyan ng military medal of merit ni Armed Forces of the Philippines chief Lt. Gen. Cirilito Sobejana.
Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Major Cenon Pancito III, spokesperson ng 3rd Infantry Division, ng Philippine Army, sinabi nito na ang nasabing parangal ay personal na iginawad mismo ni Sobejana sa isa ring Negrense kasabay ng kanyang pagbisita sa 62nd Infantry Battalion (62IB) ng Philippine Army.
Ang mga nakatanggap ng medal of merit ay mga sundalo mula sa 62IB, 33rd Division Reconnaissance Company at 16th Scout Ranger Company.
Ang mga ito ay nakigpagbakbakan sa 40 na mga kasapi ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army kung saan 10 rebelde ang nasawi at nasamsam ang 11 high-powered firearms.