-- Advertisements --

Saludo at believe si AFP chief of staff General Rey Leonardo Guerrero sa capabilities meron ang FA-50 fighter jets ng Philippine Air Force (PAF).

Personal natunghayan ni Gen. Guerrero ang mga ginawang ibat ibang manuevers ng nasabing fighter jets at napatunayang napaka reliable nito sa operasyon ng militar.

Nagsagawa ng Tactical Capability Demonstration Flight ang Philippine Air Force (PAF) kahapon kasama si Guerrero sa Air Defense Alert Center, Clark Air Base, Pampanga.

Kasamang lumipad sa FA-50 fighter jet ni Gen. Guerrero ang isa sa mga beteranong piloto ng PAF na naging bahagi nuon sa Marawi siege operations.

Nakasuot ng flying suit si chief of staff ng lumipad ito sa FA-50 fighter jet.

Sa pagdating kahapon sa Clark Air Base ni chief of staff winelcome siya mismo ni Philippine Air Force (PAF) chief Lt. Gen. Galileo Kintanar kasama si Northern Luzon Command chief MGen. Emmanuel Salamat.

Ayon kay Philippine Air Force (PAF) spokesperson Maj. Aristedes Galang first time na kasamang lumipad sa FA-50 fighter jet si chief of staff para sa isang aerial surveillance.

Samantala, ayon kay Galang, tiniyak ni chief of staff na suportado nito ang modernization program ng PAF.

Dagdag pa ni Galang na ang pagbili ng pamahalaan sa FA-50 na isa sa workhorses ng PAF ay kinukunsider ng mga AFP ground commanders na game changer nuong kasagsagan ng Marawi operations.

May plano na rin ang PAF na bumili ng mga multi-role fighters aircraft na makakatuwang ng FA-50 fighter jets.