-- Advertisements --

Tinawag na “irresponsible” at “alarming” ni AFP Chief of Staff Gen. Cirilito Sobejana ang naging pahayag ng China kaugnay sa bagong Coast Guard Law na maaring magpaputok ang mga ito sa mga banyagang barko na lalayag sa kanilang inaangking teritoryo.

Hinimok naman ng defense department at Armed Forces of the Philippines (AFP) na ipagpatuloy ng ating mga kababayan sa kanilang routine sa pangingisda sa traditional fishing ground ground sa West Phl Sea.

Ito ay sa kabila ng banta ng China sa bagong Chinese Coast Guard Law na maaaring magpaputok ang mga ito sa mga foreign vessels na aaligid sa mga lugar na kanilang sinakop sa pinag aagawang teritoryo sa disputed islands.

Ayon kay AFP chief of Staff Lt. Gen. Cirilito Sobejana gagawin ng militar ang lahat para maprotekhan ang mga kababayan natin na nangingisda sa lugar.

May mga hakbang ng gagawin ang AFP para tugunan ang naging pahayag ng China.

Sinabi ni Sobejana, palalakasin ng militar ang kanilang presensiya sa West Phl Sea partikular ang pagpapatrulya ng mga barko ng Philippine Navy.

Kahapon dumating na sa bansa ang pangalawang missile-frigate ng Phil Navy mula Ulsan,South Korea.

Malaking tulong ito sa sea lift capability ng navy ang dalawang frigate.

Samantala, pinag-hinay hinay din ni Sec Delfin Lorenzana ang China sa pagpapatupad sa contoversial Coast Guard Law na posibleng maging sanhi ng “accidents and miscalculations” sa disputed islands.


Nanawagan din ang kalihim sa lahat ng mga claimants gaya ng Chinese,Vietnamese na maging maingat sa pagpapatupad ng nasabing batas.

Aniya, hindi malayong magkaroon ng miscalculations dahil hindi lang Chinese Coast Guard ang nagpapatrulya sa lugar kundi ang lahat ng claimant countries at maging ang Amerika.

Makikipag pulong din ang kalihim sa mga kaalyado nitong bansa para talakayin ano ang mas magandang hakbang ang kanilang gagawin.