-- Advertisements --
Tiniyak ni AFP chief of Staff Lt.Gen. Noel Clement na discharge from PMA ang kahaharapin ng mga kadete na mahulihan ng kagamitan na kanilang ginagamit sa pagma maltrato sa kapwa kadete.
Sa mensahe na ipinadala ni Clement, mas magiging istrikto na sila sa mga kadete at palalakasin pa ang gagawing inspeksyon.
Ang pahayag na ito ni Clement ay kasunod sa report na “taser” ang ginamit ng mga suspek kay 4CL Darwin Dormitorio dahilan ng pagkamatay nito.
Sinabi ni Clement na posibleng nabili ito ng mga kadete habang sumasailalim ang mga ito sa weapons training sa Fort Magsaysay sa Palayan City, Nueva Ecija.
Pero giit ni Clement maaari din naman ito mabili sa labas kaya mahirap ito mapigilan.