-- Advertisements --

Tiniyak ni AFP chief of staff Gen. Gilbert Gapay na gagawin nila ang lahat ng mga kaukulang aksiyon para hindi mamamayagpag sa social media ang propaganda at iba pang aktibidad ng mga terorista.

Ayon kay Gapay, hindi nila hahayaang magamit ng mga terorista ang social media para linlangin ang mga kabataan upang mapalakas ang kanilang puwersa.

Kabilang sa mga nakipagpulong sa AFP ay ang public policy dead ng Facebook Philippines na si Claire Amador kasama ang Public Policy Manager nitong si Chris Kuzzhuppilly.

Gayundin ang Content Policy Manager ng Facebook Asia and the Pacific na si Jan Edward Lim gayundin ang kanilang Law Enforcement Outreach Manager Rob Adams.

Umaasa si Gapay para sa mas masiglang ugnayan sa pagitan ng militar at ng Facebook upang maisulong ang mga proyekto ng pamahalaan at magbigay pagkakataon sa mga Pilipino upang umunlad.