-- Advertisements --

Unfair para sa mga sundalo na paratangan ng kung anu-anong mga anomalya gayong nasa 58 government forces na ang nagbuwis ng kanilang buhay makamit lang ng Marawi ang kapayapaan.

Hindi naman napigilan ni AFP chief of staff General Eduardo Ano ang kaniyang pagkakadismaya sa mga paratang laban sa mga sundalo na ginagawa lamang ang kanilang trabaho.

Sinabi ni Ano na hindi makatarungan na paratangan ang mga sundalo ng kung ano anong mga anomalya gaya ng looting at iba pa.

Binigyang-diin ni AFP chief na mahigpit ang kaniyang bilin sa mga sundalo na iwasan ng gumawa ng kung anupaman.

Patunay dito ang ginawa ng grupo ni 1Lt. Frederick Savellano na nakarekober ng nasa P79 million cash at tseke mula sa isang bahay na pinagkukutaan ng teroristang Maute.

Ngayong araw, Independence day binigyan ng parangal ang mga sundalong nasawi sa Marawi City.

Sa Fort Bonifacio sa Taguig, City binigyan ng full military honors ang mga sundalong Marines na nasawi sa labanan dahil sa mortar fires na pinakawala ng Maute.

Ginawaran naman ng military merit medal ng AFP ang 13 nasawing Marines.

Kanina nagkaisa ang lahat ng mga TV at Radio networks na bigyang pugay ang kabayanihan ng mga government forces na nasawi sa Marawi.