Tutol si AFP chief of staff Gen. Carlito Galvez na tanggalin sa konstitusyon ang pagiging “protector of the people” ng Sandatahang lakas ng Pilipinas.
Sa pahayag ni Galvez tahasan nitong sinabi na hindi siya pabor sa ilang provisions sa proposed new charter na drafted ng Consultative Committee (Con-com) ni Pang. Rodrigo Duterte.
Partikular na inalmahan ni Galvez ay ang pagtanggal sa AFP bilang “protector of the people.”
Sinabi ni Galvez, isang malaking karangalan sa AFP ang protektahan ang sambayan laban sa mga kalaban ng pamahalaan.
Giit pa ni chief of staff, sa sandaling tanggalin sa mandato ng  militar ang protektahan ang bayan, matutuwa dito ang Communist Party of the Philippines dahil ito ang pinaka-aasam asam ng komunistang grupo.
Inalmahan din ni Galvez ang pag limita sa paggamit nila ng electronic surveillance.
Aniya,hindi ito makakatulong sa kanilang operation  at magreresulta ito sa “unintended consequence” gaya ng pag dismiss sa kaso ng mga suspek.
Kahapon isinagawa ang presentasyon ng amendments sa konstitusyon na pinangunahan ni Army Lty. Gen. Ferdinand Bocobo.
Tiniyak naman ni Bocobo kay Galvez na kanilang i take note ang naging mga suggestions at recommendations nito.
Inihayag pa ni Bocobo na kanila ding isinama sa proposed constritution ang surveillance warrant, kasama sa arrest and search warrants, layon nito na protektahan ang anumang unnecessary, unreasonable surveillance sa isang indibidwal.
” We will take note of your suggestions and recommendations anyway,” wika ni Bocobo sa pahayag ni AFP chief Gen. Carlito Galvez.