Nagpulong sina Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Gen. Rey Leonardo Guerrero at United States Air Force Secretary Heather Ann Wilson nuong Friday, 26 January 2018 sa Kampo Aguinaldo.
Ang nasabing pulong ay bahagi ng tatlong araw na country visit ni Secretary Wilson.
Nag courtesy call din ang US Air Force Secretary kay Defense Secretary Delfin Lorenzana at nakipagkita sa mga top officers ng Philippine Air Force (PAF).
Sa nasabing pagpupulong pinasalamatan ni General Guerrero ang kalihim dahil sa suporta ng Amerika sa na naging dahilan sa matagumpay na opersyon ng militar laban sa mga teroristang Maute-ISIS sa Marawi City lalo na sa capability at technical cooperation.
Pinasalamatan din ni chief of staff ang ibinigay ng military assistance ng US lalo na sa pag develop pa sa capabilities.
Interesado din si Secretary Wilson sa mutual benefits ng bilateral training, kabilang dito ang live-fire exercises, sa pagitan ng PAF at US’ Pacific Air Force.
Si Wilson ang ika- 24th Secretary ng US Air Force, isa sa tatlong components ng US Department of Defense.
Responsibilidad ni Wilson ang pag organize, train at pag equip sa nasa 660,000 air force personnel.