-- Advertisements --

11thID1

Kinilala at binigyan ng rewards ni Pang. Rodrigo Duterte ang mga commanders,officers at enlisted personnel na nasa likod ng JTF Sulu “Operation Perfect Storm” na nagresulta sa pagkamatay ng pitong teroristang abu sayyaf sa pangunguna ni Mannul Sawadjaan ang umanoy Emir ng ISIS sa probinsiya ng Sulu.

Isinagawa ang seremonya sa Malacañang nuong Lunes na pinangunahan mismo ni Pang. Rodrigo Duterte.

Kinilala ng Pangulo sina Western Mindanao Command, Commander LtGen Corleto Vinluan Jr, at Joint Task Force-Sulu Commander MGen William Gonzales ito ay dahil sa matagumpay na operasyon nuong November 3 sa may bahagi ng Sulare Island sa Parang,Sulu.

Napigilan kasi ng militar ang planong paglunsad ng kidnapping activities ng teroristang Abu Sayyaf sa probinsiya ng Surigao.

Ang nasabing operasyon isinagawa sa pamamagitan ng sea and earial interdiction.

Dumalo sa nasabing seremonya sa Malacañang sina LtGen Cirilito Sobejana, Commanding General Philippine Army (PA); Vice Admiral Giovanno Carlo Bacordo, Flag Officer-in-Command of Philippine Navy (PN) ; Lieutenant General Allen Paredes, Commanding General of Philippine Air Foce (PAF); at retired PNP Chief Police General Camilo Pancratius Cascolan.

Hindi nakadalo ang mga commanders dahil sa restrictions na ipinatutupad sa Palasyo bunsod ng Covid-19 pandemic.

Lubos naman ang pasasalamat ni JTF Sulu commander MGen. Gonzales kay Pang. Duterte sa pagkilala sa kanilang trabaho.

Ayon kay Gonzales, suwerte siya na makatrabaho ang mga magagaling na sundalo ng JTF Sulu.

Binati naman ni Philippine Army Chief Lt.Gen. Cirilito Sobejana ang mga mga sundalong nasa likod ng matagumpay na operasyon.