Nakatutok ngayon Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pagpapalakas ng kanilang cyber communication defense and security capabilities.
Ayon kay AFP Chief of staff Gen. Gilbert Gapay, ang pagpapalakas ng kanilang End to end encryption capability at cyber capability ay top priority ng kaniyang administrasyon.
Ang end-to end encryption capability ay system of communication kung saan ang mga communicating users lamang ang makakabasa sa mga mensahe.
Ang cyber security o ang electronic information security naman, ay paraan para depensahan ang mga computers, servers, mobile devices, electronic systems, networks, at data mula sa mga malisyosong pag-atake.
Dahil dito, pinapagana na ng AFP ang kanilang bagong binuo na AFP Cyber Group na siyang magmomonitor sa aktibad sa cyber space lalo na at ginagamit na rin ito ng mga kalaban ng gobyerno.
Sinabi ni Gapay, may sariling communication systems na ginagamit ang AFP para sa mga highly classified informations.
Subalit kailangan pa rin nila ang mga commercial Telco companies para i-augment ang kanilang mga pangangailan lalo na at ginagamit nila ito para sa mga unclassified informations.
Nilinaw naman ni Gapay na maliit ang tiyansa na makapaniktik ang China sa Pilipinas gamit ang 3rd Telco sa bansa ang DITO Telecommunity na magtatayo ng kanilang communication facilities sa loob ng kampo ng militar.
Ang pahayag ni Gapay ay bunsod sa pangamba ng karamihan na malayang makapaniktik ang China sa pamamagitan ng nasabing Telco company.
” The AFP, we maintained our own communication system we have the fixed and mobile communication systems that our link to our tactical communication system connected to the different units of the AFP. Right now we are developing the end-to-end encryption capability because we are now developing our cyber capability we have just activated the AFP Cyber Group, all of this geered towards enhancing our cyber communication defense and security capability,” pahayag ni Gen. Gapay.