-- Advertisements --

Tinukoy ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na ang kakulangan ng personnel ang rason sa pagbawi sa security detail ng magkakapatid na Tulfo.

Sa isang pahayag, sinabi ni AFP spokesman Brig. Gen. Edgard Arevalo, dahil sa kakulangan ng tao ay sinimulan ng Philippine Marine Corps ang pag-recall sa mga Marines na nakadestino sa labas ng organisasyon bilang security detail.

Una na ring nilinaw ng militar na walang kinalaman ang pag-pullout ng mga security escorts sa naging tirada ng broadcaster na si Erwin Tulfo kay Social Welfare Sec. Rolando Bautista, na dating hepe ng Philippine Army.

Sa panig naman ng pulisya, sinabi ni PNP spokesperson P/Col. Bernard Banac na isasailalim sa review ng PNP ang naturang mga security detail.

Nakadepende rin aniya sa magiging resulta ng review kung bibigyan pa ng security escorts si Erwin.