Tiniyak ni AFP Chief of Staff Lt. Gen Cirilito Sobejana na hindi magtatagumpay ang CPP-NPA sa kanilang plano na maglunsad ng pananabotahe sa gagawing delivery ng mga bakuna sa buong bansa.
Sinabi ni Sobejana kung gagawin ito ng NPA, patunay lamang ito kung
gaano sila ka inhuman at talagang salot sila sa lipunan.
Siniguro ni Sobejana, handa ang militar sa ganitong mga sitwasyon.
Aniya, sapat ang kanilang pwersa para panatilihin ang peace and order lalo na duon sa mga lugar na unstable ang seguridad at may mga local terorists na nag-ooperate.
Suportado ng AFP ang pamahalaan sa rollout ng mga bakuna.
Una ng inihayag ng kalihim na 25 percent sa buong pwersa ng AFP ang sasailalim sa vaccination program.
Ito yung mga medical frontliners at mga pwersa na may direktang ugnayan sa kampanya laban sa Covid-19.
Paliwanag ni Chief of staff, hindi naman lahat ng sundalo ay exposed sa nakakamatay na virus kaya uunahin na lamang nila ang mga kababayan natin na mas nangangailangan.
Imobilized ng AFP ang kanilang air, ground at sea assets para sa delivery ng mga bakuna sa buong bansa.