Tiniyak ni AFP Chief of staff Gen. Eduardo Año na hindi nila hahayaan na makalabas ng Marawi si Abu Sayyaf leader Isnilon Hapilon.
Sinabi ni Año na dalawang main group ng teroristang Maute ang siyang nakikipaglaban ngayon sa militar.
Ito ay ang grupo ni Hapilon at Omar Maute na bumihag kay Father Cito Suganob.
Ibinunyag ni Año na kasama pa rin ni Hapilon ang mga miyembro nito mula Basilan.
“There are two main groups now left one is led by hapilon and mostly ito pa rin yung mga galing ng basilan and the group led by Omar Maute,”wika ni chief of staff.
Nasa main battle area pa rin si Hapilon, ito ay batay sa intelligence ng AFP.
Ibinunyag din ni Año na may mga options ngayong kinukunsidera ang teroristang lider.
Pero pagtiyak nito na hahadlangan ng militar anf anumang options nito lalo na ang pagtakas.
” He is still inside the main batle area, based on our intel may mga ibang options syang kinoconsider but we will make sure addressed lahat yung option na yun,” dagdag pa ni Año.