-- Advertisements --

Tiniyak ni AFP chief of staff Gen. Eduardo Año na hindi nila iiwanan o aabandonahin ang Marawi hangga’t hindi nila nanu-neutralize ang mga natitirang Maute stragglers na nagtatago ngayon sa isang lugar sa may pier malapit sa Marawi Lake at Lanao Lake.

Sinabi ni Año na kung gusto pang mabuhay ng mga terorista mas mabuti aniyang sumuko na lamang ang mga ito.

Dahil sa may mga hawak pang bihag ang mga terorista, maingat pa rin ang militar sa pagtugis sa mga Maute stragglers.

Siniguro rin ng opisyal na kanilang inu-neutralized ang mga natitirang Maute terrorists.

“Mga less than ano lang po ito, mga one hectare na lang ito, meron lang mga gusali at mga structures pa rin kaya kailangan tayong maging maingat, pero maliit na lang ang lugar na ito at kung tutuisin nga ay law enforcement matter na lang ang paghanap sa mga to, pero just the same we will not abandon it, we will make sure na talagang makuha natin yung remaining na mauti isis dito at kami rin nananawagan na dapat magsurrender na sila, the only way to get out alive is to surrender,” mensahe ni Gen. Año.

Sa ngayon nasa 18 hanggang 20 bihag na lamang ang nasa kamay ng mga terorista na ginagamit bilang human shield.

Aminado si Año na malaking tulong sa pag liberate sa Marawi at pagkakapatay kina Isnilon Hapilon at Omar Maute ang tinatatawag combined arms operation at joint operation ng Army, Navy, Marines at Air Force.

Dagdag pa dito ang mga magagandang kagamitan na ginagamit ng mga sundalo lalo na ang mga ginagamit na sniper rifles at mga armored vehicles.

Aniya, nakatulong ang deployment ng mga armored vehicle dahil nagawa nitong i-sealed out ang mga kalsada na ginagawang tawiran ng mga terorista.