Ikinagulat ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang balita na may dalawang sibilyan ang kabilang sa nasawi sa naganap na engkwentro sa Bohol noong nakaraang linggo sa pagitan ng militar at mga bandidong Abu Sayyaf.
Ayon kay AFP PAO chief Col. Edgard Arevalo na buo ang kanilang paniniwala na wala ng sibilyan pa sa lugar dahil kanila na itong pinalikas.
Sinabi ni Arevalo na maingat ang militar sa kanilang isinagawang focused military operations kaya hindi nila inasahan na may dalawang sibilyan na hindi miyembro ng Abu Sayyaf ang naipit sa labanan.
Ongoing ang isinasagawang imbestigasyon ngayon ng Philippine National Police (PNP) para matukoy ang dahilan kung bakit nasa lugar pa rin ang mag-asawa kahit sila ay pinapalikas na ng militar.
Kinumpirma ng AFP na tukoy na nila ang identity ng tatlong bandidong nasawi na kasamahan ni Muammar Askali alias Abu Rami.