-- Advertisements --

Hindi umano nababahala ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa bagong kautusan ng Communist Party of the Philippines (CPP) sa mga units ng New People’s Army (NPA) na lumipat na mula sa active defense posture patungo sa offensive posture.

Ayon kay AFP spokesman BGen. Edgard Arevalo, hindi naman talaga natigil ang offensive operations ng komunistang grupo laban sa militar.

Giit ni Arevalo, mas determinado umano sila ngayon na masupil ang pananalakay ng mga rebelde sa non-combatant civilians at tribal leaders na paglabag sa International Humanitarian Law.

“The AFP is unfazed by the CPP’s saber rattling. What we are more concerned with and is determined to prevent are their attacks on non-combatant civilians and tribal leaders which are also violations of International Humanitarian Law,” wika ni Arevalo.

“We will pursue with our combat patrols to thwart any harm these terrorists will bring to our people. We will not hesitate to put our lives on the line —against the unseen enemy which is COVID 19 or the lingering CPP-NPA virus,” dagdag nito.

Sa ngayon, balik operasyon na ang militar laban sa mga rebelde matapos na mapaso na ang unilateral ceasefire na idineklara ng pamahalaan.

Inihayag pa nito na mula Abril 16 hanggang 28, nasa 34 military operations ang ginawa ng tropa, kung saan 10 mga rebelde ang napatay habang pito ang nahuli.

Una rito, inatasan ng Department of the Interior and the Local Government (DILG) ang PNP na maging alerto makaraang matapos ang ceasefire.

Sa hiwalay na pahayag, sinabi ng CPP-NPA na hindi na nila pinalawig ang tigil-putukan dahil sa umano’y pagtanggi ng administrasyong Duterte na tigilan ang kanilang pang-aatake sa mga rebelde, sa kabila ng panawagan ng isang “global ceasefire”.