Hanggang sa ngayon wala pang natatanggap na instruction ang pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) mula kay Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa pagpapatigil sa opensiba laban sa NPA ngayong balik sa negotiating table ang pamahalaan at CPP-NPA-NDF.
Ayon kay AFP spokesperson BGen. Restituto Padilla na kanila pang hinihintay ang official communication na ipapadala sa kanila ng peace panel at ni Pangulong Duterte.
Pero dahil wala pang instruction, magpapatuloy pa rin ang militar sa kanilang operasyon laban sa rebeldeng grupo at kung ano ang kasalukuyang set up ng mga sundalo sa field ay mananatili.
” We will anxiously await the official message of our panel and the instruction of the commander in chief. Pending this, all military operations will continue and remain at current state,” mensahe ni BGen. Restituto Padilla.
Samantala, tiniyak naman ni Padilla na suportado ng AFP ang anumang hakbang ng pamhalaan lalo sa usaping pangkapayapaan.
“The AFP has time and again expressed its unequivocal support to all peace initiatives undertaken by our governmenty past and present.
We also have a proven track record of being an able and reliable partner in all the peace talks undertaken by our country,” dagdag pa ni Padilla.
Inihayag din ng heneral na kaisa ang AFP sa adhikain ng pangulo na magkaroon ng pangmatagalang kapayapaan sa bansa.
“We share the commander-in-Chief’s aspiration to attain a just and lasting peace for our country and will do all we can to deliver on this for the benefit of all our citizens specially in conflict affected areas,” wika ni Padilla.