Tiniyak ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na tatalima sila sa deklarasyon ng Pangulong Rodrigo Duterte sa Suspension of Military Operations (SOMO) laban sa CPP-NPA-NDF.
Sa panayam kay Lorenzana kaniyang sinabi na wala aniya siyang magagawa kundi sundin at ipatupad ang kautusan ng Pangulo.
Nilinaw naman ng kalihim na hindi niya inirekomenda sa commander-in-chief ang suspensiyon ng operation ng militar laban sa Kumunistang grupo.
Aniya, wala talaga siyang planong magrekomenda ng tigil-putukan sa NPA ngayong kapaskuhan pero dahil nagdeklara na ang Presidente kaya ipapatupad nila ito.
“A ganon ba, well, we will follow the directive of the President kung nag-ano sya, I was actually adamant and was, ayaw ko sanang mag-ano, I did not recommend for the cessation of military operation against the CPP NP NDF but if the President declared so then we are going to implement and abide by the directive of the President,” wika pa ni Lorenzana.