-- Advertisements --
Gagamit na ng surface-to-surface missiles ang militar laban laban sa mga bandidong Abu Sayyaf.
Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, ang mga missiles ay naka-equip sa mga bagong gunboats ng Philippine Navy na ide-deploy na ngayon sa may bahagi ng Sulu at Basilan kung saan nagpapatuloy ang opensiba laban sa bandidong grupo.
Pahayag pa ng kalihim, ang pagbuhos ng pwersa ng militar laban sa Abu Sayyaf ay nagpapakita lamang kung gaano kadeterminado si Pangulong Rodrigo Duterte na pulbusin na ang mga terorista.
Dagdag pa ni Lorenzana, inilunsad ang operasyong ito matapos pugutan ng ulo ng grupo nitong nakalipas na araw ang dayuhang bihag na si Jurgen Kantner na dinukot noon pang November 2016.