-- Advertisements --
Kukumbinsihin ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang mga mambabatas na tila malamig na sa mungkahing i-extend pa ang pagpapa-iral ng Martial Law sa Mindanao.
Ayon ikay AFP Chief of Staff Gen. Carlito Galvez, ang pinanghahawakan nila ngayon ay ang positibong reaksiyon ng mga Mindanaoan na pabor sa Martial Law extension.
Ang reaksyon na nito ni Galvez ay kasunod sa pahayag ni Senador Panfilo Lacson na mahihirapan umano ang mikitar na kumbinsihin ang mga mambabatas na aprubahan muli ang nasabing panukala dahil kanila na itong napagbigyan.
Giit naman ni Galvez na may sapat naman silang suporta mula sa mga Mambabatas sa Kamara at aminado siyang malaking hamon para sa kanila na kumbinsihin ang mga Senador hinggil dito.