Gugunitain ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang All Souls’ Day ngayong araw ang pag-alala sa kanilang mga kasamahan na inalay ang buhay sa pakikipaglaban sa mga teroristang Maute-ISIS sa Marawi City.
Sa statement na inilabas ng AFP, ang All Souls’ Day ngayong araw ay magiging makabuluhan para sa mga naulilang pamilya ng 158 sundalo at pitong PNP personnel na nasawi sa limang buwang operasyon sa Marawi.
Ayon kay AFP Spokesperson MGen. Restituto Padilla, napakaraming mga storya ng gallantry at heroism na nagpakita ng totoong lakas ng loob at dedikasyon ng mga sundalo para protektahan ang buhay ng mga Pilipino, ang kanilang mga mahal sa buhay at maging ng kanilang kapwa sundalo.
Kabilang dito ang kwento ni Captain Rommel Sandoval, company commander ng 11th Scout Ranger Company ng 4th Scout Ranger Battalion, First Scout Ranger Regiment, Special Operations Command, na nangakong buhay na makabalik sa kanilang pamilya ang kaniyang tauhan kahit ang magiging kapalit nito ay ang kaniyang buhay.
Kwento ng AFP na ang misyon ng grupo ni Capt. Sandoval ay i retake ang five-story building, isa sa mga tauhan ni Sandoval ay sugatan at naipit sa labanan, walang pag-alinlangan sinalba ang kaniyang sugatang tauhan na naging mitya naman ng kaniyang kamatayan dahil binaril siya ng kalaban.
Kahit umano naghihingalo na si Sandoval sa kaniyang buhay ginamit niya ang kaniyang katawan bilang panangga ng mga bala para mailigtas ang kaniyang mga tauhan.
Nakatakda sanang mag bakasyon si Sandoval at ang misis nito sa abroad pero hindi na ito nangyari at bibisitahin na lamang siya ng kaniyang misis sa Libingan ng mga Bayani.
Iba naman ang kwento ni 2nd Lt. Harold Mark Juan ng Army’s Special Forces Regiment (Airborne), Special Operations Command.
Napag-alaman na si Juan ay sugatan na pero bumalik pa rin sa main battle area para makipag laban, napatay si Juan sa pamamagitan ng sniper fire na nakatakda sanang magpakasal matapos ang misyon nito sa Marawi.
Sinabi ni Padilla na kanilang gugunitain ngayong araw ang sakripisyo ng mga sundalo at bibigyan ng karangalan ang bawat isang fallen heroes na nakipaglaban sa Marawi sa ibat ibang bahagi ng bansa.
“These are just few of the stories of heroism that soldiers have done while performing the mandate to serve the people and secure the land. And we would commemorate their sacrifices and honor each of our fallen heroes who fought not only in Marawi, but in various places in the country, this All Souls Day,†pahayag ni Padilla.