-- Advertisements --

Tiniyak ni Defense Sec. Delfin Lorenzana na nakahanda ang militar sa posibilidad na maglunsad ng retaliatory attacks ang mga sympathizers at mga miyembro ng teroristang grupo para ipaghiganti ang kamatayan ng dalawang top terrorists leaders na sina Isnilon Hapilon at Omar Maute.

Napatay ng mga sundalo ang dalawa sa kasagsagan ng labanan kaninang madaling araw sa Marawi City kung saan narescue ang nasa 17 mga hostages.

Sa panayam kay Lorenzana, kanyang sinabi na ang modus operandi ng teroristang grupo ay magsagawa ng diversionary tactics o retaliatory attacks kaya nakahanda ang mga sundalo laban dito.

Sinabi ng kalihim na alam na ng mga sundalo ang kanilang gagawin ukol dito dahil kanila na itong inaasahan.

“Our troops our prepared, alam naman natin that it is the modus operandi of the enemy to create diversion and retaliation so our troops are prepared,” pahayag ni Lorenzana.