-- Advertisements --
Tiniyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang kanilang kahandaan sakaling gumamit ang mga terorista sa bansa ng mga drones.
Ayon kay AFP Public Affairs Office commander Colonel Noel Detoyato, mula pa noong mangyari ang 2017 Marawi siege ay alam nila na gumagamit ng mga drone.
Tiniyak din ng AFP na may mga pangontra silang ginagawa laban sa posibleng pag-atake gamit ang drone.
Reaksyon ito ng AFP sa posibilidad na paggamit ng mga teroristang grupo ng drone gaya ng naganap sa pang-aatake sa oil facilities sa Saudi Arabia.