-- Advertisements --

Handang bigyan ng pagkakataon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang NPA para patunayan ang kanilang sinseridad sa usaping pangkapayapaan sa pagitan ng pamahalaan at CPP-NPA-NDF.

Ito’y kahit kwestiyonable sa militar ang sinseridad ng rebeldeng grupo.

Ayon kay AFP spokesman BGen. Restituto Padilla, na hindi natitinag ang supporta ng militar sa isinusulong na usapang pangkapayapaan.

Umalma ang AFP sa pinakahuling kautusan ng NPA sa kanilang mga units na palakasin ang kanilang recruitment at padamihin ang kanilang mga pwersa.

Pahayag ni Padilla ba tila ironical sa layunin ng usapang pangkapayapaan na magkaroon ng tigil putukan, ang ginagawa ngayon ng NPA at hindi tumutugma sa kanilang salita Ang kanilang mga aksyon.

Gayunpaman, sinabi ng heneral na nauunawaan ng militar na ang proseso tungo sa kapayapaan ay isang mabagal na proseso.

Kaya naman aniya na sa kabila ng kuwestionableng sinseridad ng NPA ay lubusang nasa likod ng Pangulong Rodrigo Duterte ang AFP sa hangarin nitong makipagusap ng maayos sa mga rebelde upang tapusin na ang armadong pakikibaka sa bansa.