Hinahanap na ng Philippine Navy ang isa pang napaulat na underwater drone o glider na umano’y namataan sa karagatang sakop ng Bohol.
Unang nakita ng mangingisda ang naturang done na palutang-lutang sa karagatan ngunit hindi umano nila ito kinuha dahil sa takot.
Batay sa video ng naturang drone, ito ay kulay silver at pula at pinaniniwalaang ika-6 na underwater drone nang namataan sa iba’t-ibang karagatan ng bansa.
Ayon kay Philippine Navy Spokesperson for the West Philippine Sea, Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, hinahanap na nila ang naturang drone at umaasang mamamataan muli ito, makuha, at tuluyang maisailalim sa forensic investigation.
Nanawagan din ito sa mga mangingisda na huwag matakot kapag muli itong nakita, bagkus, agad itawag sa mga otoridad upang makagawa ng akmang aksyon ukol dito.
Ang panibagong drone sighting ay kasunod na rin ng narekober na drone sa probinsya ng Masbate kamakailan.
Hindi naman inaalis ng Philippine Navy ang posibilidad na ang naturang drone ay ginagamit sa military application.