-- Advertisements --

Tiniyak ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na hindi magpapatinag ang Pilipinas laban sa mga banta at pambu bully ng China Coast Guard sa bahagi ng West Philippine Sea.

Ayon sa Sandatahang lakas ng Pilipinas, nananatiling matatag sila sa kanilang misyon na protektahan ang karapatan ng ating bansa at tiyakin ang kaligtasan ng kanilang mga tauhan at mamamayan sa West Philippine Sea.

Ito’y kasunod sa inilabas na anti-trespassing policy ng China na ipapatupad epektibo bukas June 15,2024.

Ayon kay AFP Public Affairs Office (PAO) Chief Col. Xerxes Trinidad, ipagpapatuloy ng militar ang kanilang maritime patrol sa mga lugar na nasasakupan ng Pilipinas.

Sinabi ni Trinidad na ang tinatawag na patakarang anti-trespassing ng China ay sumisira sa rule of law at internasyonal na mga pamantayan na namamahala sa maritime conduct.

Dagdag pa ni Trinidad na ang presensiya at aksiyon ng Chinese vessels sa West Philippine Sea partikular sa teritoryo ng bansa ay ilegal, mapilit, agresibo, at mapanlinlang.

Una ng inihayag, ni Defense Secretary Gilberto Teodoro na walang jusridiction ang China sa teritoryo ng bansa.