-- Advertisements --

“We don’t negotiate with terrorists”

Ito ang sagot ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pahayag ni Joma Sison na kanilang pakakawalan ang ang 14 na bihag na dalawang sundalo at 12 CAFGU sa pasko.

Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, ongoing sa ngayon ang manhunt operations laban sa mga rebeldeng NPA na nasa likod ng pag atake sa New Tubigon, Sibagat, Agusan del Sur.

Inihayag naman ni 4th ID Commander Maj. Gen Ronald Villanueva, hindi at wala silang balak na makipag negotiate sa itinuturing nilang mga terorista.

Batay sa pahayag ni Sison na pakakawalan nila ang mga bihag kapag itinigil ng militar ang kanilang operasyon sda lugar.

Giit ni Villanueva, hindi titigil ang militar sa kanilang operasyon, para mabawi ang dalawang sundalo at 12 CAFGU na hawak ng NPA sa Agusan Del Sur.

Sa katunayan aniya ay nagtitipon tipon na ang mga batalyon ng militar sa Agusan Del Sur para tugusin ang mga kidnapper.

Ito’y matapos na makubkob ng 50 hanggang 80 NPA Ang Army detachment sa Brgy. New Tubigon, Sibagat, Agusan del Sur nitong Miyerkules ng madaling araw, kung saan nabihag nila Ang lahat ng nasa kampo at matangay ang Lahat ng kanilang mga armas nang Walang naganap na palitan ng putok.