-- Advertisements --
Ipinag-utos ni AFP Chief of Staff General Gilbert Gapay sa lahat ng Unit Commanders sa buong bansa na huwag na munang magsagawa ng Christmas Party.
Ayon kay AFP Spokesperson Major General Edgard Arevalo, ang gagastusin ng AFP para sa Christmas party ay isasama nalang nila sa pondo para maibigay ang mga pangangailangan ng mga sundalo sa paglaban sa COVID-19.
Paliwanag ni Arevalo ramdam ng hanay ng AFP ang hirap na idinulot nang pandemya kaya hindi napapanahon na magsagawa pa ng Christmas party.
Sinabi ni Arevalo mahigpit din ipinagbabawal ang pagsasagawa Christmas party o mass gatherings dahil lumalabag ito sa health protocols ng Covid-19.