Hangga’t walang pini-pirmahang formal ceasefire sa pagitan ng pamahalaan at CPP-NPA-NDF magpapatuloy pa rin ang opensiba ng militar laban sa rebeldeng grupo.
Ayon kay AFP Spokesperson BGen. Restituto Padilla na hindi ititigil ng militar ang kanilang operasyon laban sa NPA hanggat hindi nagkakaroon at pag pirma ng formal ceasefire sa pagitan ng magkabilang panig.
Sa ngayon nagpapatuloy pa rin ang back channeling talks o informal talks sa Europa ng mga mga peace negotiators.
Sinabi ni Padilla na mahalaga na magkaroon ng paglagda sa formal ceasefire dahil magkakaroon ito ng mekanismo na siyang magiging batayan sakaling mayroong paglabag dito.
Mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang nagsabi na hindi magbabalik sa negotiating table hanggat walang nilalagdaang bilateral ceasefire agreement.
Pagtiyak ni Padilla na well represented sa peace panel ang Defense Department kasama ang Armed Forces of the Philippines sa peace panel.