Dumating na Puerto Princesa City mula sa Subic, Zambales ang BRP Davao del Sur na pinakamalaking barko ng Philippine Navy.
Ayon kay Wescom spokesperson Commander Ariel Joseph Coloma, idineploy ito ng AFP sa lugar sa layuning tumulong sa pagpapatrolya sa West Philippine Sea bagay na ikinatuwa ng kanilang hukbo.
Ngunit gayunpaman ay inamin ng tagapagsalita na umaasa pa rin ang kanilag hukbo na madagdagan pa ang mga asset na maidedeploy sa kanila dahil sa lawak ng teritoryo ng Pilipinas.
Paliwanag niya, kinakailangan kasing regular na mapatrolya at bantayan ang nasa 7,000 square nautical miles ng West Philippine Sea na sakop ng ating bansa.
Samantala, sa ngayon ay mayroon nang 10 naval vessels ang Wescom na kanilang ginagamit sa sealift operations at shuttle service patungong Pag-asa island at para sa magsagawa ng maritime sovereignty patriol operations sa EEZ ng Pilipinas.