Ikinatuwa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pagkakapili ni Pangulong Rodrigo Duterte kay L. Gen. Jose Faustino bilang susunod na hepe ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas.
Papalitan ni Faustino si AFP chief of staff General Cirilito Sobejana na nakatakdang magretiro sa serbisyo sa Hulyo 31, 2021, ngayong araw ng Sabado.
Si Faustino ang kasalukuyang commander ng Joint Task Force Mindanao at dating acting Commanding General ng Philippine Army at Commander ng AFP Eastern Mindanao Command.
Ayon kay AFP kay outgoing Sobejana, ang di matatawarang karanasan at sigasig sa paglilingkod ng heneral bilang commander at staff officer ang nagbigay daan sa kanya upang pamunuan ng militar.
Kabilang dito ang misyon ng AFP para makamit ang pangmatagalang kapayapaan at kaunlaran ng bansa.
Si Faustino ay miyembro ng PMA Class 1988, mistah nito sina Army Chief Lt Gen. Andres Centino, Wesmincom Commander Lt Gen. Corleto Vinluan at PDEA Director Gen. Wilkins Villanueva.
Apat na buwan lamang mananatili si Faustino sa pwesto dahil magreretiro na rin ito sa buwan ng Nobyembre.