Ikinatuwa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang designation sa CPP-NPA bilang “terrorists” matapos aprubahan ng Anti-Terrorism Council ang isang resolution.
Ayon kay AFP spokesperson MGen. Edgard Arevalo, napakahalaga para sa militar ang designation ng CPP-NPA bilang terrorists dahil malaking impact ito sa nagpapatuloy na military operation laban sa komunistang grupo.
Nilinaw din ni Arevalo magkaiba ang designation at proscription. Ang designation ay pwedeng gawin ng Anti-Terrorism Council.
Dahil sa deklarasyon, may kapangyarihan na ngayon ang Anti-Money Laundering Council na silipin ang mga deposit ng ilang mga miyembro ng NPA na maaaring i-freeze ang kanilang mga assets para hindi magamit ang pondo sa paglaban sa gobyerno.
Sinabi ni Arevalo, ang nilikom na pondo ng NPA ay mula sa kanilang isinasagawang extortion activities na ginagamit na pambili ng armas at mga pampasabog.
Umalma naman ang CPP NPA sa designation sa kanila bilang terorista.
Bukod sa NPA, deniklara ring terorista ang ISIS, Maute group at Daulah Islamiyah at iba pang mga associated groups.
Ayon kay Marco Valbuena, isa umanong information officer ng CPP, nais lamang ng Duterte regime na pigilan ang democratic rights at gamitin ang anti-terrorism law bilang dahilan.
Nakitaan naman ng ATC ng probable cause para i-designate ang CPP NPA bilang terrorist group.
Sa kabilang dako, ipinagmalaki naman ni AFP vhief of staff Gen. Gilbert Gapay ang kanilang mga matagumpay na operasyon laban sa NPA.
Ayon kay Gapay, 18 major AFP initiated encounters ang isinagawa laban sa NPA simula nuong December 2 hanggang December 26,2020 kung saan 29 body counts ang narekober at 15 high powered firearms habang siyam na miyembro ng teroristang grupo ang sumuko.
Dahil daw sa pinalakas na opensiba at sunud sunod na pag neutralized sa kanilang mga top leaders, humihina na ang pwersa ng NPA.