In-activate na rin ng Armed Forces of the Philippines ang kanilang disaster response units at pinakilos ang kanilang mga tauhan at assets para rumesponde sa sinalanta ng bagyong Enteng.
Kaugnay nito, nakahigh-alert at handang ideploy ang nasa 11 Search, rescue at Retrieval teams. Binubuo ang mga grupong ito ng 6 na opisyal at 98 enlisted personnel na equip ng 19 na land assets at 7 sea assets para magbigay ng agarang tulong sa mga binahang lugar at magsagawa ng rescue operations.
Sa isang statement, sinabi ni AFP Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. na fully committed ang Hukbong Sandatahan ng Pilipinas sa pag-alalay sa disaster response efforts at pagtiyak sa seguridad ng ating mga kababayan sa panahon ng sakuna.
Sa ngayon, maigting na nakikipag-tulungan ang AFP units sa mga lokal na pamahalaan at iba pang mga ahensiya ng gobyerno para matiyak ang mabilis at kaukulang pagresponde.
Nagsagawa tin ng briefings at mustering exercises ang naturang mga team para mapaghandaan ang agarang deployment at estratihikong nakaposisyon ang mga assets para agarang marating ang mga critical area.