-- Advertisements --

Handa ang buong hanay ng Armed Forces of the Philippines sa pagbibigay ng tulong sa mga apektadong pamilya matapos na mag-alburutong muli ang Bulkang Kanlaon.

Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff, Gen. Romeo Brawner Jr., inalerto na ito ang kanilang mga tropa sa sandaling kailanganin ang kanilang agarang tulong.

Kabilang sa kanilang maaaring maging partisipasyon ay pagsasagawa ng clearing operations.

Tutulong rin ang kanilang hanay sa paghahatid ng mga ayuda o tulong sa mga lumikas na pamilya.

Sa inilabas na kasalukuyang datos ng Office of Civil Defense , pumalo na sa 8,000 evacuees ang namamalagi sa itinalagang 2 evacuation centers sa lalawigan ng Negros Occidental.