Aminado si AFP chief of staff General Eduardo Año na hirap ang militar na makumpirma ang ulat na pinugutan ng ulo ang German national na bihag ng Abu Sayyaf na si Jurgen Kanther.
Sinabi ni Año na Kailangan kasi ng isang matibay na basehan bago nila ito ianunsyo sa publiko.
Paliwanag ni chief of staff na ang pagkumpirma sa isang impormasyon ay nangangailangan ng mga testimonya ng mga taong nakakita sa insidente ng pamumugot o kaya ay pisikal na ebidensiya tulad ng parte ng katawan ng tao.
Binigyang-diin ni Año na tanging mga report lamang mula sa paligid ang nakukuha nila at hindi sa mismong lugar kung saan nangyari umano ang pagpugot.
Pahayag ng heneral na hanggat wala silang narekober na bangkay mula sa biktima, paniniwala nila ay buhay pa rin ito.
Tiniyak ni Año na magpapatuloy ang military operations para mailigtas ang mga biktima.
Sa kabilang dako ayon kay AFP Spokesperson BGen. Restituto Padilla na sakali na marekober ang mga sundalo ang labi o parte ng katawan ng tao, kailangan pa itong isa ilalim sa DNA test at confirmatory testing para makasiguro.
Pahayag ni Padilla na wala pang pruweba kaugnay sa umanoy execution sa bihag na Aleman.