-- Advertisements --

Ipagpapatuloy ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pag-monitor sa sitwasyon sa pinagaagawang karagatan kabilang ang West Philippine Sea para matiyak ang seguridad ng Pilipinas sa ilalim ng rules-based order.

Ito ay kasunod ng napaulat na pagsasagawa ng drills o pagsasanay ng Russian corvette kasama ang mga barkong pandigma ng China sa disputed waters.

Base sa report ng international media, nagsagawa ang Pacific Fleet Sovershennyi corvette kasama ang detachment ng People’s Liberation Army Navy warships para inspeksiyunin ang isang kahina-hinalang sasakyang pandagat sa kasagsagan ng joint naval patrol sa karagatan ng Pilipinas.