Itinanggi ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na nagkaroon ng intelligence failure dahilan sa nalusutan sila ng mga teroristang Maute na nakapaghasik ng karahasan sa Marawi City.
Nanindigan si AFP Public Affairs Office (PAO) chief Col. Edgard Arevalo na hindi sila nalusutan bagkus may isinasagawa silang operasyon kung saan target si ASG leader Isnilon Hapilon.
Giit ni Arevalo na kung sila ay nalusutan ng mga teroristang grupo hindi magsasagawa ng joint operation ang AFP at PNP na target si Hapilon.
Ang insidente sa Marawi ay bunsod naganap na labanan sa pagitan ng mga miyembro ng Maute at militar na ikinasawi ng tatlong government forces habang 12 ang sugatan.
Pinasinungalingan ng AFP na sinalakay ng Maute terror group ang Marawi.
Nasa 50 miyembro ng Maute ang target ngayon ng militar sa lugar.
Una rito inihayag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na nagulat ang mga security forces dahil sa dami at volume of fires na mula sa 100 mga armadong bandido.
Ayon sa kalihim na batay sa report ng militar maraming sympathizers ang Maute sa Marawi kung kaya’t malaya ang mga ito nakakapasok sa lugar na nagpapanggap na mga silbilyan.