-- Advertisements --

Pinasinungalingan ni AFP Central Command Commander Lt. Gen. Oscar Lactao ang report kaugnay sa presensya ng nasa 60-70 na mga armadong miyembro ng bandidong Abu Sayyaf naka pasok muli sa Bohol.

Sinabi ni Lactao na accounted na ang 11 ASG members na unang pumasok at matagumpay na nuetralized ng mga government forces ang mga nasabing bandido.

Ipinagmalaki namang sinabi ni Lactao na ASG free na ngayon ang Bohol.

Inihayahag din nito na malaking tulong ang ibinigay na pabuya ni Pang Rodrigo Duterte sa pag neutralized sa 11 bandido dahil sa mga positibong feedback na nakukuha ng militar.

Samantala, ipinauubaya na ng militar sa PNP ang imbestigasyon kaugnay sa kaso ni PSupt. Maria Cristina Nobleza.

Ayon kay Lactao lahat ng mga impormasyon at kanilang nalalaman kaugnay sa nasabing ay kanilang ipinapasa sa PNP.

Nilinaw din nito na wala silang isinasagawang parallel investigation kaugnay sa kaso ni Supt. Nobleza na naaresto kasama ang boyfriend na ASG member na si Rennour Lou Dungon ng tangkain ng mga ito i-rescue si Abu Saad na napatay din matapos maaresto.