Mariing pinasinungalingan ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) hinggil sa kumakalat na larawan a social media kaugnay sa massive shipment ng mga military supplies mula sa Amerika patungong Pilipinas.
Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Col. Xerxes Trinidad, na fake o peke ang isang screenshot message mula sa isang “General David” hinggil sa Armed Forces of the Philippines (AFP) na umano’y nasa red alert status at nakatanggap ng mga war equipment ay lumang isyu na at fake.
Sinabi ni Trinidad na kanila na itong tinugunan nuon pang 2021.
Siniguro ng AFP na nakatutok sila sa lahat ng mga developments .
Panawagan nito sa publiko na huwag basta maniwala sa mga impormasyong kumakalat sa social media.
Hiling ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas na maniwala sa mga legitimate AFP channels at mga reputable sources.