-- Advertisements --

Mariing itinanggi ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang alegasyon ni BayanMuna Rep. Eufemia Cullamat.


Pinaratangan ni Cullamat ang militar na ginawa nila umanong war thropy ang labi ng kaniyang anak na si Jevilyn na napatay sa engkuwentro sa Surigao del Sur nitong Sabado, matapos ikalat sa social media ang larawan ng bangkay nito.

Ayon kay AFP Spokesman Marine M/Gen. Edgard Arevalo, hindi intensiyong ipangalandakan ng militar ang larawan ng labi ni Jevilyn bagkus ay kailangan ito for documentation na requirement sa bawat engkuwentro.

Hindi rin maituturing na panunuya ang ginawang pagdadala ng mga sundalo sa labi ni Jevilyn paakyat sa bundok upang duon isailalim sa identification.

Aminado ang AFP na may malinaw na paglabag sa pagkalat ng larawan ng bangkay ni Jevilyn dahil hindi ito bahagi ng kanilang polisiya kaya’t iimbestigahan nila ito upang papanagutin ang nagkasala.