Mariing itinanggi ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na na-iscoopan sila ng Malacañang sa mga napapaulat na destabilization plot laban sa administrasyon ng pamahalaan.
Paliwanag ni AFP Public Affairs Office (PAO) chief Col Edgard Arevalo, na iba-iba ang pinagkukunan ng impormasyon ng ibat-ibang sangay ng pamahalaan at hindi maaring sabihin na mas makabuluhan ang impormasyon ng isa kumpara sa iba.
Sinabi ni Arevalo na ang bawat impormasyong nasasagap ng pamahalaan ay dumadaan sa masusuing proseso ng pagva-validate bago ito matawag na intelligence information.
Aniya, ang intelligence information Ay Hindi rin basta-basta ibinabahagi sa lahat alinsunod sa Tinatawag na “compartmentalization” o yun lang may kailangang makaalam Ang binabahaginan ng impormasyon.
Binigyang diin ni Arevalo na maaring may sariling sources ang Malacañang na naging basehan ng pahayag ni PCO Secretary Martin Andanar sa ibinunyag nitong destabilization plot Laban sa pamahalaan.
Nilinaw ni Arevalo sa panig ng AFP, aala silang namonitor na anumang banta Laban sa pamahalaan, pero gayunpaman, ay handa ang AFP na kontrahin Ang anumang pagkilos laban sa pamahalaan.
Tiniyak nito na nananatiling tapat ang mga kawal sa konstitusyon at sa duly appointed authority.