Mariing kinondena ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang brutal na pagpatay ng Abu sayyaf group sa kanilang bihag na Aleman na si Juergen Kanther.
Ito ang inihayag ni AFP public affairs office chief marine col Edgard arevalo matapos makakuha ng kumpirmasyon mula sa reliable source na si Kanther ay pinugutan ng ulo ng Abu Sayyaf noong linggo.
Nagpahayag ng kalungkutan si Arevalo sa sinapit ng Aleman sa kamay ng mga kanyang mga kidnappers at ipinaabot ang pakikiramay ng AFP sa pamilya ng biktima.
Ayon sa kanya ay marami ring nalagas sa hanay ng AFP sa walang humpay na pagsusumikap ng militar na mailigtas si Kanther at Ang iba pang mga bihag ng Abu Sayyaf.
Tiniyak ni Arevalo na ang walang awang pagpatay ng mga terroristang kidnapper sa kanilang bihag ay lalo Lang nagpapatindi ng determinsyon ng militar na iligtas ang nalalabing hostages at panagutin ang abu sayyaf sa kanilang karumal dumal na krimen.
Patuloy aniyang magsusumikap Ang AFP na ma-recover ang mga labi ni Kanther para maisauli sa pamilya nito at mapagkalooban ng disenteng paglibing.