-- Advertisements --

Gapay

Mariing kinondena ng Armed Forces of the Philiipines (AFP) ang mga karahsan na inilulunsad ng New People’s Army (NPA) sa ilang komunidad kasabay ng paggunita ng International Humanitarian Law day, August 12,2020.

Nasa 104 IHL at human rights violations ng Communists terrorists group ang naitala ng AFP mula Enero hanggang Hunyo ng kasalukuyang taon.

Kabilang dito ang paggamit ng mga improvised explosive device (IED), pag-recruit ng mga menor de edad, pag-atake sa mga humanitarian activities at mga pribadong ari-arian.

Tiniyak naman ni AFP chief of staff Gen. Gilbert Gapay ang commitment ng sandatahang lakas ng Pilipinas sa International Humanitarian Law.

Siniguro din ni Gapay na ipagpapatuloy ng militar na gampanan ang kanilang trabaho at tungkulin na may paggalang sa karapatang pantao at naaayon sa International Humanitarian Law.

“We will continue to carry out our duties and responsibilities to protect our citizens caught in the middle of armed conflicts and assure total respect to their human rights as stipulated in the International Humanitarian Law,” pahayag pa ni AFP chief of staff Lt. Gen. Gilbert Gapay.

May mga aktibidad na inihanda ang militar sa paggunit ng IHL day, kabilang na ang pag-host ng symposium na dadaluhan ng National Bureau of Investigation, Philippine National Police, state prosecutors, at mga miyembro ng media.

“We join every Filipino in their call for just and lasting peace, an end to decades-old violence, and the complete victory against the New People’s Army and its front organizations that continue to exploit and put the lives of innocent people at risk,” dagdag pa ni Lt. Gen. Gapay.