Kinumpirma ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippines na naging matagumpay ang isinagawang 6th Multilateral Maritime Cooperative Activity ng Pilipinas , Australia, Japan, at US.
Layon ng naging aktibidad na magkaroon ng pagkakaisa sa pagkakaroon ng seguridad at kooperasyon sa Indo-Pacific Region.
Ang naturang ika-anim na Multilateral Maritime Cooperative Activity ay isinagawa ng apat na bansa sa Exclusive Economic Zone ng Pilipinas.
Sa nasabing aktibidad ay nagpadala ang Australia ng HMAS Hobart (DDG39) at P-8A Poseidon.
Lumahok rin ang JS Akizuki (DD115) ng Japan at maging ang USS Benfold (DDG65) at P-8A Poseidon ng Estados Unidos.
Mula naman sa Pilipinas ay nakibahagi sa aktibidad ang BRP Jose Rizal kasama ang Search and Rescue ng Philippine Air Force.