Kumpiyansa ang militar na wala nang mangyayari pang iligal na pag-okupa mula sa grupong Kadamay sa mga darating na araw dahil mismong si Pangulong Rodrigo Duterte na ang nagbabala sa grupo na huwag nang ulitin ang kanilang ginawa.
Ayon kay AFP spokesperson B/Gen. Restituto Padilla na hindi nababala ang AFP na posibleng gawin muli ng Kadamay ang kanilang ginawang iligal na pag okupa sa mga pabahay na proyekto ng pamahalaan.
Naniniwala si Padilla na mayroong epekto ang ginawang pag-okupa ng Kadamay kaya ang ginawa ng pamahalaan na paghihimok ay OK nang sa gayon para maiwasan ang anumang kaguluhan.
Pahayag pa ng heneral, hindi na dapat ulitin ng nasabing grupo ang ginawang pag-agaw ng mga bahay na pag-aari ng iba.
Giit nito na mayroong sinusunod na rule of law na dapat sundin at kung tataliwas dito ang grupo ay hindi mag-aatubili ang militar na ipatupad ang batas.