Lalabanan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang anumang pagtatangka ng China na puwersahang tanggalin ang BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.
Ang AFP, sa pamamagitan ng tagapagsalita na si Col. Medel Aguilar, ay nangako habang naghahanda ito sa paglulunsad ng isa pang resupply mission para sa mga tropang nakatalaga sa Ayungin Shoal.
Kung matatandaan, hinarang ng Chinese Coast Guard (CCG) ang isang resupply mission noong Agosto 5 sa pamamagitan ng paggamit ng water cannon sa isa sa mga sibilyang barko na nagdadala ng mga pangangailangan ng mga Marines sa Sierra Madre.
Sinabi ni Medel na ang CCG ay dapat manahimik at iwasan ang anumang iligal na aksyon na maaaring magdulot ng panganib.
Ayon sa direktiba ni Pangulong Marcos, nangako ang AFP na hindi pababayaan ang Ayungin Shoal o titigil sa pagpapadala ng mga pangangailangan sa Sierra Madre.
Sa bahagi ng AFP, Ang Philippine Coast Guard (PCG), ay handang magbigay ng higit pa sa kanilang mga sasakyang pandagat upang tulungan ang AFP sa mga susunod na resupply mission.