Magkakasa ng regular na deployment ng mga barko at sasakyang panghimpapawid ang Armed Forces of the Philippines sa West Philippine Sea.
Ito ay para sa regular na pagsasagawa ng Maritime at aerial patrol ng Hukbong Sandatahan sa naturang lugar sa gitna ng ipinatutupad na unilateral fishing ban sang China.
Ayon kay AFP Spokesperson, Col. Francel Margareth Padilla, layunin nito na tiyakin ang kaligtasan at seguridad ng mga Pilipinong mangingisda na pumapalaot at nangingisda sa West Philippine Sea.
Kung maaalala, una nang binigyang-diin ng AFP na hindi nito kikilalanin ang panibagong pronouncement ng China hinggil sa pagpapatupad nito ng fishing moratorium sa WPS na naging epektibo mula noong Mayo 1, 2024 at magtatagal naman hanggang Setyembre 16, 2024.
Kasabay ng mariing pagkondena rito kung saan sinabi pa nito na ang naturang hakbang ng China ay isang malaking paglabag sa Maritime claims ng ating bansa sa ilalim ng United Nations Convention on the Law of the Sea at 2016 Arbitral decision.